Isteydi: Mga diskursong nabuo sa tambayan

Wednesday, December 07, 2005

Ang Burgis sa Panahon ng Diskriminasyon

Burgis ka! Ito ang isang komento sa akin na hindi ko matangap-tanggap. Bakit nga naman ako tatawaging burgis kung wala naman akong ginagawang kaburgisan? Bakit ako pagbibintangang elitista kung hindi naman ako umaasta bilang isa? Hindi naman ako nandidiri sa mga pagkaing panlansangan. Mas nanaisin kong kumain ng isaw at dugo kaysa hamburger at french fries. Lalo namang mas gusto kong kumain sa karinderya kaysa mga mamahaling restawran. Hindi rin naman ako maarte o mapili sa aking susuotin. Hindi rin naman ako mapili sa mga makasasalamuha. Hindi naman ako mayaman, at higit sa lahat, ayokong umastang mayaman.
Bakit pa kasi naimbento ni Karl Marx ang salitang ito? Bakit pa kasi nauso ito? Bakit kasi kailangan pang magkaroon ng diskriminasyon? Bakit kasi ginawa pang iba-iba ang tao? Bakit hindi na lang pantay-pantay? Bakit kasi may mayaman, bakit kasi may mahirap? Bakit kasi kailangan pa nating kutyain ang hindi natin katulad, lalo na ang mga taong lugmok sa kahirapan. Ang mga taong problemado kung saan kukunin ang panlaman-tiyan nila kinabukasan. Sila na nakuha pa nating gawing sentro ng katatawanan. Ang mga taong marahil ay wala ng panahong tumawa dahil sa patung-patong na problema sa buhay. Mga taong walang karangyaan, mga taong walang luho. Wala silang luho sa katawan hindi dahil sa gusto nilang mamuhay ng simple, kundi ito na yata ang inadya ng tadhana sa kanila, ang mamuhay ng mas simple pa sa simple. Mga tao na hindi makapag-aral, hindi dahil sa ayaw nila, kundi dahil sa nakamulatan nila na ang pag-aaral ay para lamang sa may mga pera at pagkakataon. Silang mahihirap na lalo pang pinagsasamantalahan ng mundo ng negosyo at komersyo. Silang mahihirap na ginagamit ng mga pulitiko tuwing eleksiyon upang maging instrumento ng kanilang pekeng pagmamalasakit. Silang mahihirap na inaapi na ng sistema ay nakuha pa nating maging sentro ng ating panandaliang komedya.
Ang kaburgisan sa pananaw naming magkakaibigan ay nagsisimula sa paglalagay ng dibisyon sa lipunan. Dibisyon na ang isa ay bida, ang isa naman ay kontrabida. Dibisyon na ang isa ay cool, ang isa ay baduy. Dibisyon na ang isa ay japorms at astig, ang isa naman ay jologs. Dibisyon na ang isa ay manlalait, ang isa naman ay nilalait. Dibisyon na ang karaniwang nabibiktima ay ang mga nasa aping uri.
Marahil ay hindi mo ito namamalayan sapagkat ito ay patagong namumuhay sa ating classist na lipunan. Para itong asong ulol na hindi niya alam ang salot na kanyang naidudulot. Para itong basura na kahit anong pagtago ang gawin mo ay mangangamoy. Para itong utot na nanunuot sa iyong ilong. Para itong kabuti na kung saan-saan mo makikita.
Mga simpleng panlalait na hindi natin namamalayan. Nandiyan iyong kapag pangit ang babae, sinasabi nating siya ay mukhang katulong. Kapag lalaki naman ay mukhang kargador, hardinero, karpintero at marami pang ibang trabahong blue collar. Para bang sila lang ang may kakayahang maging pangit dito sa ating mundong ginagalawan. Dahil ba sa nakaaangat tayo sa pinansyal na aspeto ay mukha na tayong mga diyos at diyosa? Kapag naman wala sa panlasa natin ang porma at pustura ng iba, sasabihin nating jologs, iskwater, iskwating o iskwakwa sila. Para bang sila lang ang pwedeng maging baduy at ang nakaaangat lang ang mga fashionista. Naisip ko nga minsan na paano kung biglaan kaya ilathala ng mga sikat na fashion magazines na ito ang mga usong porma, ano kaya gagawin ng mga kabataang fashionista?
Mayroon pa nga akong naranasan na may kasama ako na dati ay pilit kong nirerespeto ngunit lalo akong nawalan ng respeto nang bigla niyang kinutya ang mga taong nagsusuot ng mga kamiseta na pinamimigay sa mga hardware tulad ng Boysen tuwing pasko. Nainis ako dahil sa umaasta siya na kung sino, umaastang ang istandard niya ang nararapat. Hindi ba niya naisip na hindi naman siya ang bumubuhay sa kanya kaya wala siyang karapatang manlait.
Ako rin ay may personal na karanasan sa pagdidiskrimineyt ng lipunan. Naalala ko noong naghahanap ako ng instrumento at nagpunta ako sa bilihan nito. Wala man lang gustong pumansin sa akin dahil nakapambahay lang ako. Para bang may malala akong sakit dahil pilit akong iniiwasan ng mga sales rep. Sapagkat mukha akong walang pambili. Mayroon ding pagkakataon na pinilit ako ng aking ina na magpafacial sa salon sa harapan ng kanyang opisina. Kahit ayaw ko hindi lang dahil sa tinatamad ako, kundi nanghihinayang ako sa perang gagastusin na sa tingin ko ay wala namang magbabago sa aking mukha. Subalit nanaig ang aking ina kaya ako ay napilitan. Nang ako ay pumunta sa saon siyempre, ako ay nakapanmbahay dahil sino ba naman ang kailangan pang pumorma para magpakalikot ng mukha. Pagpasok ko ng gusali ay bigla akong hinarang ng guwardiya. Saan daw ako pupunta? Sabi ko, “Sa salon.” Biglaan ba namang tanong niya ay kung ano naman daw ang kailangan ko roon. Sa isip ko ay bakit kailangan ko pang mainterogeyt, dahil ba sa hindi ako nakaporma kagaya ng mga customer nila? Ang nakaporma lang ba ang pwedeng pumunta roon at magpakalikot ng mukha? Mukha bang may masama akong balak dahil sa hindi ako nakapustura? Nang sinabi kong taas noo at puno ng yabang na Peyyysssiiiyaaal ay pinaraan na niya ako na may pabaong titig ng panghihinala. Biruin mo, ganoon pala ako kaespesyal pag hindi nakaporma. Magpapakalikot lang ako ng mukha ay may libre pang interbyu. Kulang na lang ay magpatawag siya ng NBI at ipa-lie-detector test muna ako bago papasukin para malaman niya kung Facial ba talaga ang ipinunta ko roon.
Bakit kasi ang lipunan natin ay mahilig magdikta kung ano ang nararapat na istandard? Lipunan na pinipilit pakibagayan ng mga tao na siya rin namang tumatakwil sa mga ito. Lipunan na siyang pinipilit buuin na siya ring naglalagay ng walang basehang dibisyon. Lipunan na may dalawang uri ng tao, ang mga nanlalait at ang mga nilalait. Lipunan na punong-puno ng diskriminasiyon. Lipunan ng mga Burgis.

3 Comments:

  • Am Mrs Jennifer, personal na nagpapahiram utang. nag-aalok kami mga pautang sa isang interes rate ng 2% sa bawat taon ng 100,000,000,00 EUR. Aling 500,000,000,00.in sa pera kailangan mo ng pautang sa. Sa pamamagitan ng 100% ng proyekto financing secured at hindi secure na mga pautang magagamit. kami ay garantisadong upang magkaloob ng mga serbisyo sa pananalapi sa marami sa aming mga kliyente sa buong mundo. Gamit ang isang package ungas na pautang, pautang sa maasikaso at mga pondo ay inililipat sa borrower sa lalong madaling panahon. nagpapatakbo kami sa malinaw at madaling Kinakailangan sa upang maunawaan at nag-aalok ng pautang sa isa sa aming mga customer na Applied, kumpanya, korporasyon, at lahat ng uri ng negosyo organisasyon, pribadong indibidwal at mga namumuhunan sa Real Estate. makipag-ugnay sa amin sa e-mail ang sa amin: jenniferdawsonloanfirm@gmail.com para sa higit pang mga detalye sa kung paano makakuha ng pautang ikaw ay ok.
    Mrs Jennifer

    By Anonymous Anonymous, at 1:46 AM  

  • Kailangan mo ba ng 100% na Pautang? Maaari akong maghatid ng iyong mga pangangailangan sa pananalapi na may mas kaunting mga problema ng pagbabalik na siyang dahilan kung bakit namin pinopondohan ka para sa 2% lamang. anuman ang iyong sitwasyon, self-employed, retirado, may maayos na credit rating, maaari kaming tumulong. Flexiblerepayment higit sa 1 hanggang 30 taon. Makipag-ugnay sa amin sa: ceciliagodfreyloanfirm@gmail.com


    ikaw ay naghahanap ng isang mahaba o panandaliang pautang

    1 Buong Pangalan: ............................
    2 Makipag-ugnay sa Address: .......................

    3.Country: .....................

    4.Sex: ...............

    5. Kailangan ng Pautang Halaga: ....................
    6. Mga Tagal na Tagal: ...................
    7. Direktang Numero ng Telepono: .................

    Maraming Pag-ibig,

    ceciliagodfreyloanfirm

    l
    mrs: cecilia

    By Blogger cecilia Godfrey, at 5:46 PM  

  • Circle of light, ALLAHU AKBAR ..

    Ako si Mrs Annisa Ahmad, isang pribadong tagapagpahiram na nagbibigay ng mga pagkakataon sa pautang. Kailangan mo ba ng agarang utang upang bayaran ang iyong mga utang o kailangan mo ng utang upang ayusin ang iyong negosyo? Ikaw ay tinanggihan ng mga bangko at iba pang institusyong pinansyal? Kailangan mo ba ng utang o ng isang mortgage? Hinahanap para sa higit pa dahil narito kami upang gawin ang lahat ng iyong mga problema sa pananalapi ng isang bagay ng nakaraan. Nagpapautang kami ng mga pondo sa mga indibidwal na nangangailangan ng tulong sa pananalapi, na may masamang kredito o nangangailangan ng pera upang magbayad ng mga singil, upang mamuhunan sa isang negosyo na may 2% na rate ng interes. Gusto kong gamitin ang daluyan na ito upang ipaalam sa iyo kung nagbibigay kami ng maaasahang at maaasahang tulong. Kaya makipag-ugnay sa amin ngayon sa pamamagitan ng email sa: {annisaahmadlaoncompany@gmail.com} tapat na tiwala sa aming serbisyo.

    Assalamu`alaikum wr wb,

    By Blogger Annisa Ahmad, at 3:07 AM  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home